Wednesday, October 03, 2007

ang sarap umasa...

Simula Pebrero ng taong ito, may mga hindi inaasahan ngunit nakakatuwang nangyari sakin. Kahit na walang kasiguruhan iyon, lubos na akong natuwa na napansin ang aking ipinasa... Malaking bagay na iyon para sa akin. Oo, umasa ako. Bakit naman hindi lalo na't lubhang akong natuwa sa lugar at ninais na lumagi dun? Yun nga ang dahilan kung bakit may uwi akong mga pahina mula doon e... Habang tumatagal parang kabute ang balita ng estado ng aking isinumite doon. Kaya naman, prang kabute din ang aking damdamin sa pagpursige sa alternatibong iyon. Naging alternatibo na lang xa dahilan nga sa pagkamalabo din naman ng mga pangyayari. Kapag may balita, nabubuhayan ang loob ko kapag wala nakakalimutan ko naman iyon.

Huli akong nagkaroon ng balita noong kakalipat ko lang... Ngunit gaya ng dati, malabo ang mga hakbangin noon. Hindi din naman nila kasi matukoy ang aking kwalipikasyon kung nararapat nga ba talaga ako. Kaya hindi din nila ako basta-bastang matatanggap. Nais nila na makita ako at "makausap" sa personal subalit para mangyari iyon kelangan silang mapagawi ng Pilipinas o ako ang kusang pupunta dun (sariling sikap). Ilang ulit na naudlot ang aming pagkikita dito sa Pilipinas, bihira din silang mapagawi gawa ng wala naman talaga silang opisina dito.

*the rest are in my multiply...

No comments: