Tuesday, August 04, 2015

Sinong mag-aakala?

Sinong mag-aakala na magiging tayo?
Sinong mag-aakala na may isang kagaya mo na darating sa buhay ko at mamahalin ako ng ganito?
Sinong mag-aakala na ikaw ang makakapagtibok ng puso kong akala ko'y namanhid na?
Sinong mag-aakala na sayo ako'y mahuhulog at lulundag?
Sinong mag-aakala na tatangkain ko ang relasyon na ito na dagat ang pagitan?
Sinong mag-aakala na may naitatago akong pagkamalambing?
Sinong mag-aakala na tatagal tayo ng ganito, na ngayon ay maglilimang buwan na? Maikli man ngunit bawat panahon ay ninamnam at ipinapagpasalamat.
Sinong mag-aakala?
Walang may akala ngunit ang mahalaga ay andito tayo ngayon at nagmamahalan. Nawa'y malampasan natin ang mga pagsubok nang lalong tumibay ang ating pagsasamahan. At walang mag-aakala na tayong dalawa ay para sa isa't isa pala.