Tuesday, December 13, 2005

mga pagmuni-muni

First and foremost, CONGRATULATIONS to jules and the rest of the AWITAN pips! i am so proud and happy for you guys!thank you for sharing whatever gifts you have...

while on my way home last nyt, a lot of stuff ran through my head... and before i knew it i was crying... because of fatigue, of stress, of sadness, and because maybe iyakin lang talaga ako...

hindi naman siguro kaila sa atin lalo na sa mga bibong members na iba ang engg week na ito... puno ng negative emotions... salamat na lng sa magagandang balita tulad ng sa AWITAN... pro sa totoo lng kahit aq kagabi natakot na kahit un ay ipagkait sa atin... ewan ko ba pro kagabi pakiramdam q ay pinagkakaitan Niya tayo... malungkot ako sa mga nangyayari...

hindi naman sa umaasa aq na mag-top tayo sa engg week... hindi naman talaga sukatan iyon ng galing ng isang organisasyon at ng mga miyembro... o hindi nga ba? hindi ba't kahit papaano masasalamin pa rin nito kung paano magbalanse ang mga tao ng kanilang oras, magpagalaw ng mga tao, maging organisado... nasaan na ang 100++ na members? hanggang numero lng ba tayo? kung ganoon ano ang halaga ng ALCHEMES sa iba sa atin, matatambayan para hindi loner? training ground para mapaganda ang resume? libreng meryenda o tanghalian?


let us not forget that if not for the members of this organization who or what will give "UP ALCHEMES" its prestige, its reputation... anong kwenta ng UP ALCHEMES sa resume kung walang mga proyekto ito? mga miyembrong naglilingkod dito, mga miyembrong isinasaalang-alang ang pangalan ng organisasyon...

pro nakakalungkot din na may mga iba sa atin na sinasabi nila mahal nila ang organisasyon, pro hanggang dun lng... hindi ba nila nakikita at nararamdaman na kailangan ng organisasyon ang tulong nila... ang pagmamahal ba ay hanggang sa dahil napapakinang ka ng organisasyon? o may katumbas ding itong pagmamalasakit sa kanya?

dumating na sa puntong nagsusumbatan na, nagsusukatan na, nagsisisihan na... hindi maiiwasan, hindi mo masisisi lalo na ang mga pagod na... kasi naman, kung tulong-tulong at sama-sama wala namang talagang mabigat hindi ba? ang importante may nagawa ka na... kung sinisisi ka pro alam m naman na ngawa m0 na ang bahagi mo o ang kaya mo, pabayaan mo sila! hindi naman sinasabi na mawala na ang UP mula sa UP ALCHEMES pro kung may maibabahagi ka, sana huwag ipagdamot... itanong natin sa ating sarili, mahal ko ba ang org na ito? may nagawa na ba ako? may magagawa pa ba ako?

nangongonsensya ba ako? namimilit ba ako? hindi po... gusto ko lng sabihin ang mga saloobin ko... kung tinamaan ka, mabuti, nakakaramdam ka pa... kung hindi, wala ka lang marahil pakialam o magkaiba tau ng pananaw... sapagkat hindi naman dahil sa nasa iisa taung bubong ay kinakailangang pare-pareho ang takbo ng ating pag-iisip...

sabi ko sa ating presidente, magalit ka na kaya o kaya'y may umiyak na satin sa harap nila... ngunit dali ko itong binawi... bakit? pra saan, para manlimos ng awa? pra may mapagtsismisan ang iba? pra magbulung-bulongan tayo... kailangan pa bang humantong sa ganoon? besides, even if someone cries, only a handful will care, be driven to work... the rest they will feel sorry, sympathize for a while, and then poof!

nakakalungkot na nagkakaganito tayo bilang isang pamilya... may lumulutang pa na mga paksyon... bakit ganun? personal glory? wag naman sana...

have fun... hindi na yan ang nangyayari... mediocre na ang performance natin, nakukuntento na tayo dun kahit na alam natin sa ating mga sarili na higit pa tayo dun! nadedeactivate na ang marami sa atin...

hanga ako kina ate iris, ate jone, nagawa nilang pagsabayin... alam ko na marami akong pagkukulang din... patalo pa ako sa mga nasalihan ko kahapon... hirap pa akong magcommit sa mga bagay-bagay...marami na rin akong hindi alam sa mga nangyayari at lahat ng ito'y batay lamang sa katiting na alam ko... hanga ako kina jose, paul, gemma, ryan, nina, mga GC kung tutuusin pro nung engg week napaka-visible nila...magaling lang talaga sila...

sa mga new mems na napasabak agad, sana huwag kayong mapagod...
sa mga kumukulo ang dugo sa kabila, hinay lang... sana maintindahan ninyo ang puntong, hindi natin kinakailangang makipagsabayan sa pambababoy nila... dun tayo sa rason, sa prinsipyo. wag na lang natin sila pansinin, at sa halip ay ibuhos ang ating lakas sa lalong pagpapaganda sa ating ngalan... mas magandang armas pa rin kasi ang rason, kung alam mong nasa tama ka, anong laban nila db?

there's a difference from being the "best we can be" from being the "best among the rest". One is more rewarding. and we don't always have to be the best among the rest... EXCELLENCE above all!

No comments: