Major hugot.
[repost]
"LONG DISTANCE RELATIONSHIP"
Para lang 'to sa taong matatapang.
Yung tipong sobra ka ng nahihirapan at nasasaktan, pero patuloy ka paring lumalaban at walang sawang naghihintay kahit gaano man ito katagal hanggang sa muli niyong pagkikita. Yung bang halos mabaliw ka na sa sobrang pagkamiss, yung tipong gusto mo siyang lambingin pero di mo magawa kaya iiyak ka na lang at pilit mong kinakaya. Sobrang hirap man, di ka pa rin bumibitaw kasi mas di mo kakayanin kapag tuluyan na siyang mawala sayo. At sa kabila ng lahat, pinipilit mo paring maging matatag. Ganun talaga. Mahal mo kasi, mahal na mahal mo.
Para din ito sa taong marunong makuntento.
Na kahit marami kang pwedeng makitang "mas" pa sa kanya, hindi mo parin siya lolokohin. Na kahit pwede mo din siyang iwan o ipagpalit sa iba dahil sa milyang distansya niyo, hindi mo pa rin ginagawa dahil alam mo ang salitang kuntento. Yung bang marinig mo lang yung boses niya sa phone o di kaya’y makita mo lang siya sa webcam, masaya ka na. Nabubuo na ang araw mo basta’t nakakausap mo lang siya. Yung natitiis mong walang physical contact, walang yakap o halik basta’t naipaparamdam niya parin sa puso mo yung pagmamahal niya sayo, sapat na yun. Ganun talaga. Mahal mo kasi, mahal na mahal.
Tiwala talaga ang kailangan sa isang long distance relationship. Dahil sa tiwala pa lang na maibibigay mo sa kabila ng sobrang layo ng agwat ng distansya niyo, maipaparamdam mo na kung gaano mo siya kamahal. At dapat meron ka ring nakalaang oras sa kanya araw-araw. Oo, araw-araw, dahil sa malayo ka sa piling niya kaya kelangan mong iparamdam na nandyan ka pa rin at gusto mong maging parte ng araw niya. Siguro sa sitwasyong ganito, pwede mong sobrahan ang pagmamahal mo. Para siguradong aabot ito sa kanya lalo na’t kung dagat ang pagitan ninyo.
Tiis tiis lang. Sabi nga nila, "Good things happen to those who wait".